Magbigay Ng Tig Lilimang Halimbawa Na Dinotatibo At Konotatibo
Magbigay ng tig lilimang halimbawa na dinotatibo at konotatibo
Ang denotatibo ay pagpapakahulugan sa isang salita mula sa diksyonaryo o encyclopedia. Samantala ang konotatibo ay pagpapakahulugan sa isang salita batay sa sariling pananaw at karanasan.
Denotatibo
- Bola, ito ay isang laruan na tumatalbog.
- Basag na baso - ito ay isang basag o nasirang kagamitan sa pag-inom
- Kalabaw, ito ay isang uri ng hayop na madalas na makikita sa Pilipinas.
- Bubuyog, isang uri ng insekto o hayop.
- Bahaghari, ito ay may ibat ibang kulay.
Konotatibo
- Bola, magagandang salita upang makabighani ng mamimili o nililigawan
- Basag na baso, naglalarawan ng kawalan ng pagtitiwala na kailan may hindi na maibabalik pa.
- Kalabaw, representasyon ng kasipagan at katatagan
- Bubuyog, sumasalamin sa kaingayan at kadaldalan subalit kakikitaan ng pagkamalikhain.
- Bahaghari, ito ay nagpapahiwatig ng pag-asa
Comments
Post a Comment